Monday, January 23, 2012

Walang Matinong Pangulo sa Hindi Makuntentong Pilipino

Walang matinong pangulo sa mga tanga at bobong pilipino.


Palagi na lang, sa tuwing hindi nasusunod o napagbibigyan ang mga kagustuhan ay nagpupunta sa kalsada at nagsasalita ng "walang kwenta ang ating gobyerno, walang ginagawa ang mga nasa pwesto. Mabuti pa noong panahon ni ganon, mas mura ang bilihin, kaunti ang nagugutom, marami ang may trabaho, blah blah blah. Ngayon, napakahirap ng buhay, dumarami ang mahirap, dumarami ang nagugutom, dumarami din ang mga tanga."


Ilang beses ko ng narinig yang mga salita na yan (maliban sa dulo), simula ng magkaisip ako at sa tuwing magpapalit ng pangulo. Kapag hindi nila nagustuhan ang performance eh gusto na agad palitan. Ginawa na nilang wallpaper at ringtone.


Noong panahon ni dating Presidente Marcos madami ang

Walang Taong Bobo

Naniniwala ka ba na meron ngang bobong tao? Sa palagay mo kung meron nga, sino naman siya? Malamang ikaw sya. Pero sabi nga wala naman daw talagang bobo at naniniwala naman ako na hindi ka nga bobo. Kasi kung bobo ka eh hindi mo ito mababasa pero hindi naman ibig sabihin na kapag hindi ka marunong magbasa eh bobo ka na. Hindi rin ibig sabihin na kapag hindi ka bobo eh hindi ka na pwedeng maging tanga. Lahat tayo ay may potensyal, hindi ka nag-iisa.


Kapag ako ang tatanungin eh wala talagang taong bobo.(sige, tanungin mo ko.)


ikaw: naniniwala ka bang may taong bobo?
ako: hindi
ikaw: bakit?
ako: anong bakit? Bat mu tinatanong, pick up lines ba yan?
ikaw: ewan ko sayo!


Oha, sabi ko sa inyo eh, wala talagang taong bobo kapag ako ang tinanong nyo, hehe. Balik ulit tayo, kaya kong patunayan na wala talagang taong bobo. Bakit ko to nasabi? Tingnan natin, Anu ba ang tawag sa

Napakadaling Magsalita

Ang isa sa mga bagay na madaling gawin dito sa mundo maliban sa mga pipi, ngongo, malapad ang dila, bulol, bungal, may maluwag na pustiso, torpe, mahiyain, walang pakialam, bobo o tanga ay ang magsalita ng magsalita at magsalita at magsalita at magsalita ng magsalita (unli paulit-ulit? Ay hindi, sirang cd, haha).


Ang daling magkomento sa isang bagay o pangyayari lalo na kung hindi ikaw ang nasa ganung sitwasyon at hindi mo alam ang tunay na dahilan ng iyong pinagkokomentuhan (tulad ng ginagawa ko ngayon at gagawin pa, hehe).


Para kang barbero, tambay, may-ari ng tindahan, aktibista, politiko, walang pinag-aralan, utak talangka (buti nga may utak kahit talangka, yung iba nga dyan eh wala talaga as in nganga), spokesperson, anouncer, comentarist, writer, analyst kapag nagbibigay ng komento. "bakeeet?" (Anong baket? Hindi pick up lines to, ulul).


Minsan, matawag lang tayo na prangka, walang takot (weh?), totoong tao (kuno), walang tinatago (kunyari), walang kinikilingan (depende sa offer) ay hindi na tayo nangingiming magbigay ng magbigay ng komento. Wala tayong pakialam kung may masaktan man na ibang tao. Wala tayong pakialam kahit na maging dahilan pa ito ng

True Friendship Never Dies

Minsan inaakala natin na yung mga dati nating kaibigan ay hindi na natin kaibigan dahil sa mahabang panahon na kawalan ng komunikasyon at ugnayan. Kasi kapag hindi sila nagtetext, hindi sumasama sa mga gimik at minsan kapag parang hindi nila tayo pinapansin, iniisip kaagad natin na baka ayaw na nila tayo maging kaibigan o kaya iniisip natin na nakalimutan na nila tayo pati na rin ang ating mga pinagsamahan. 


Take note: hindi lang yun basta pinagsamahan, andun na lahat tulad ng kalokohan, kasiyahan, kalungkutan, kulitan, awayan at lahat na ata ng nagtatapos sa "an" pwera lang upuan, haha (korni). At tsaka mayron pa labanos, mustasa, sitaw, (teka hindi kasama yan, nasimulan kasi sa kakornihan ayan tuloy nagdirediretso, haha. Balik tayo sa totoong sasabihin ko.) At hindi lang yun, meron din yang kasamang kwento na mayroong tema na drama, pangspeech, horror, suspense, sex, quotes, fantasy, payabangan ng lolo, action, kasinungalingan, jamingan at syempre lahat ng yan ay with action and conversation ng nagkukwento.) habang take note nyan, haha.


Ayan na nga. Kaya marahil siguro subalit datapwat (redundant na) dala ng pride ganun na rin ang gagawin natin sa kanila. Kung ayaw mong

Sunday, January 15, 2012

Nonsense Thought part 1 (Asong Kawawa)

1. Sino ba ang dapat sisihin kung ang isang tao ay nakatapak ng tae ng aso sa kalsada?


-ang amo ba na pinabayaang tumae yung aso sa kalsada at hindi dinakot?
-o ang aso ba na hindi tinuruan kaya nasanay tumae kung san man sya abutan?
-o ang tae ba na walang muwang at nangyayari lang dahil sa kagustuhan ng aso?
-o ang taong tanga ba na hindi tumitingin sa kanyang dinadaanan?




Pero paano naman daw kung askal yung aso? Ibig bang sabihin walang  kasalanan yung amo? Pero paano nga ba nagkakaroon ng askal? Di ba dahil napabayaan o pinabayaan ng pabayang amo?


Sa palagay mo, kung may nagturo kaya sa aso na huwag tumae sa kalsada, hindi na nga kaya sya tatae sa kalsada? Mapipilit nga kaya natin yung aso na huwag tumae sa kalsada o kahit saan mang lugar na siya ay abutan? O kailangan lang ba niya ng