Monday, January 23, 2012

Napakadaling Magsalita

Ang isa sa mga bagay na madaling gawin dito sa mundo maliban sa mga pipi, ngongo, malapad ang dila, bulol, bungal, may maluwag na pustiso, torpe, mahiyain, walang pakialam, bobo o tanga ay ang magsalita ng magsalita at magsalita at magsalita at magsalita ng magsalita (unli paulit-ulit? Ay hindi, sirang cd, haha).


Ang daling magkomento sa isang bagay o pangyayari lalo na kung hindi ikaw ang nasa ganung sitwasyon at hindi mo alam ang tunay na dahilan ng iyong pinagkokomentuhan (tulad ng ginagawa ko ngayon at gagawin pa, hehe).


Para kang barbero, tambay, may-ari ng tindahan, aktibista, politiko, walang pinag-aralan, utak talangka (buti nga may utak kahit talangka, yung iba nga dyan eh wala talaga as in nganga), spokesperson, anouncer, comentarist, writer, analyst kapag nagbibigay ng komento. "bakeeet?" (Anong baket? Hindi pick up lines to, ulul).


Minsan, matawag lang tayo na prangka, walang takot (weh?), totoong tao (kuno), walang tinatago (kunyari), walang kinikilingan (depende sa offer) ay hindi na tayo nangingiming magbigay ng magbigay ng komento. Wala tayong pakialam kung may masaktan man na ibang tao. Wala tayong pakialam kahit na maging dahilan pa ito ng
pagbagal ng pag-unlad ng ating bayan. (sabay-sabay nating punitin ang mga sedula.) Wala tayong pakialam kahit sino pa ang ating tapakan at kahit ano pa ang mangyari sa ating kapaligiran. Ang mahalaga lang naman satin dito ay makapagpasikat. Kumbaga sa tv eh, parang showtime. (para sa darating na election eh kilala na agad. Yes, free advertisement kasi kapag mayroon kang isyu, hehe.)


Hindi naman talaga masamang magbigay ng komento, lalo na kapag ang:
1. Komento ay libre.
2. Ang komento ay sa mga makabuluhang bagay lang ginagamit.
3. Ang komento ay nagbibigay ng sigla sa bawat isa para lalong magsumikap.
4. Ang komento ay para sa mas ikauunlad ng isang bansa.
5. Ang komento ay sa paggawa ng bahay, kalsada, tulay at puntod ginagamit. (ang hindi makagets, SLOW)


Masarap naman talagang magkomento, di ba? (hmmm), baka kung radyo, tv o live lang to eh narinig nyo na kong magmura, hehe (joke lang). Alam nyo namang hindi pwede, syempre kapag nagmura ko eh ganito lang ang mangyayari dyan, "mga put(tit-tit) nyong lahat!" o kaya kapag sa chat o forum "mga p#%@£#* nyong lahat!" di ba? Masesensored lang yan, haha. 


Wag kayong magagalit saken mga pare kung sinasabi ko man to. Katulad ng palagi nyong sinasabi kapag nagbibigay ng komento kahit hindi maganda. "Ginagamit ko lang ang aking karapatang magpahayag ng aking saloobin bilang isang mamamayan ng demokratikong bansa ng Pilipinas. Hindi nyo ko pwedeng pigilan, haha. Mga put#*%@* nyo, g*g*." (wow, kala ko makakalusot, haha.)


Habang sinusulat ko to ay wala talaga kong maisip na magandang idudulot nito sa iba. Sumasakit na ulo ko pero wala talaga. Parang katulad  lang to ng ibang komento na nababasa nyo sa dyaryo, napapanood sa tv at naririnig sa radyo. Isang napakawalang kwentang komento. Wala kang mapupulot na aral. Guguluhin lang yung paniniwala mo. Kaya mas maganda siguro eh, wag mo na lang basahin. Pero sa palagay ko eh huli na, wala ka ng time magbackout. Maliban na lang siguro kung dito ka sa huling talata naunang magbasa. Pero kung ganun nga ang ginawa mo, eh wala kang kwenta.


Hindi ko to sinulat para lang magpasikat, dahil kung gusto ko lang sanang magpasikat eh dun ako nagpunta sa showtime, hehe. (Havey ba o Waley?)

No comments:

Post a Comment