Monday, January 23, 2012

Walang Taong Bobo

Naniniwala ka ba na meron ngang bobong tao? Sa palagay mo kung meron nga, sino naman siya? Malamang ikaw sya. Pero sabi nga wala naman daw talagang bobo at naniniwala naman ako na hindi ka nga bobo. Kasi kung bobo ka eh hindi mo ito mababasa pero hindi naman ibig sabihin na kapag hindi ka marunong magbasa eh bobo ka na. Hindi rin ibig sabihin na kapag hindi ka bobo eh hindi ka na pwedeng maging tanga. Lahat tayo ay may potensyal, hindi ka nag-iisa.


Kapag ako ang tatanungin eh wala talagang taong bobo.(sige, tanungin mo ko.)


ikaw: naniniwala ka bang may taong bobo?
ako: hindi
ikaw: bakit?
ako: anong bakit? Bat mu tinatanong, pick up lines ba yan?
ikaw: ewan ko sayo!


Oha, sabi ko sa inyo eh, wala talagang taong bobo kapag ako ang tinanong nyo, hehe. Balik ulit tayo, kaya kong patunayan na wala talagang taong bobo. Bakit ko to nasabi? Tingnan natin, Anu ba ang tawag sa
bobo? Bakit ba natin sila tinatawag na bobo? Dahil ba tanga siya, mangmang, walang pinag-aralan, walang laman ang utak o mahina ang ulo?


Sabi nga, magkaiba daw ang tanga kesa sa bobo. Dahil ang tanga ay may alam yun nga lang ayaw nyang gawin o intindihin. Ang bobo naman ay wala talagang alam kahit ano ang gawin mo. At isa pa, ang tanga daw ay mahirap turuan pero ang bobo madaling turuan lalo  na kung pursigido.


Pwes, naniniwala ka bang mayroong taong walang alam? Sasabihin mo, oo dahil kapag inutusan mo siya at binigyan ng instraksyon ay hindi pa rin nya masundan. O kaya, oo dahil kahit turuan mo siyang mabuti ay hindi pa rin nya maintindihan.


Pano mo nalaman na hindi nya nga masundan o maintindihan yung mga pinagsasabi at itinuro mo? Dahil ba sinabi nya? O dahil ikaw na mismo ang nagdesisyon na hindi nya naiintindihan?


Ang hindi nyo alam, maraming tao ang mas pinipiling magkunwari na wala silang alam kesa ipagpasikatan na alam nila ang lahat. Biruin nyo, kapag nalaman ng iba na marami kang nalalaman eh siguradong iaasa na lang nila lahat sa iyo. Isa pa, pag-isipan mo to. Kapag nalaman mong wala akong alam, anong gagawin o iisipin mo? Una mag-iisip ka ng paraan kung pano ko matututo. Kapag may paraan ka na, eh di tuturuan mo na ko. Kapag tinuruan mo ko, syempre expected mo na may natutunan ako. Eh pano kung wala akong natutunan? Eh di poproblemahin mo ulit kung pano mo na naman ako tuturuan? Sino ang mas masakit ang ulo sating dalawa? Sino ang nalamangan? Yung tinatawag ba na may alam o yung nagkunwaring walang nalalaman?


Kaya sa kahit na sino mang tao na makakabasa nito, eh wag na wag kayong papayag na tawagin kayong bobo, walang pinag-aralan, walang laman ang utak, mahina ang ulo, etc.


Dahil kahit kanino nyo itanong eh wala talagang ganyan. Maliban na lang kung tanga, siraulo at walang pakialam yung mapagtanungan mo.


Hindi totoong walang laman ang utak dahil alam nyo naman sigurado na marami yang laman. Ibig kong sabihin yung laman, as in nilalaman or yung content. Baka kasi may umepal na pilosopo sasabihin "wala naman talagang laman ang utak dahil puro fats yon." O ayan nilinaw ko na, alam kong sisingit ka na naman eh.


Hindi rin totoong may taong mahina ang ulo, bakit nyo naman sinabing mahina ang ulo? Dahil ba sa wala nga siyang alam at hindi nya ginagamit ang ulo nya kaya ganung salita ang ginamit nyo? Kung ganun pala at mahina ang ulo, e di dapat pala every morning nagjojoging, exercise at nagbubuhat ng barbel gamit ang ulo? Kapag nagkaganon eh di magkaka muscles na ang ulo? Kapag nagkamuscles na eh di malakas na ulo nya? Kapag malakas na, eh di hindi mo na siya pwedeng sabihan na mahina ang ulo?


Hindi rin totoo o hindi din pwedeng sabihin na wala siyang pinag-aralan. Kasi lahat ng tao ay nag-aaral o may pinag-aaralan kahit siya ay wala sa eskwelahan. Sige, bibigyan ko kayo ng halimbawa para madali nyong maintindihan. Halimbawa yung bata or baby, kapag hindi pa siya marunong lumakad ano ba ang ginagawa nya? Di ba, step by step. Bago maglakad, mag-aaral muna siyang dumapa, tapos mag-aaral naman siyang gumapang, tapos mag-aaral naman siyang umupo, tapos mag-aaral naman siyang tumayo, tapos mag-aaral na siyang lumakad. Kita mo na, ang dami na nyang napag-aralan nun kahit baby pa lang siya. Hindi pa kasama dyan yung pagsasalita at pagkain.


Hindi mo rin pwedeng sabihin na walang alam ang isang tao. Pupusta ko ng kahit na magkano, sigurado ako na ang lahat ng tao ay may alam. At ang ilan o karamihan sa mga nalalaman nila ay hindi mo alam. Halimbawa ulit para maintindihan mo. Kapag ako ay gumising sa umaga, alam mo ba kung ano ang ginagawa ko? Alam mo ba kung ano ang kinain ko kanina? Alam mo ba kung anong kulay ang underwear ko ngayon? Alam mo ba kung may pera ko o wala? Di ba hindi mo alam? (napifeel ko na naman na may eepal, eto yung sasabihin:


epal: alam ko pagkagising mo, didilat ka. Alam ko kumain ka ng kanin kanina, alam ko white ang underwear mo, alam ko may pera ka.


Ayos ah, ang galing mo. Ang galing mong manghula, haha. Sa mga sinabi mo isa lang ang tumama. Dahil pagkagising ko, hindi ako agad dumilat. Pinindot ko muna yung alarm clock at nagtalukbong ako ng kumot. Hindi rin ako kumain ng kanin dahil nagdadiet ako. Hindi rin puti ang underwear ko dahil wala akong puting underwear, mahirap kasing tanggalin ang mantsa sa puti. Pero tama dahil may pera ko. 5 sentimos, 10 sentimos, 25 sentimos, piso, limang piso o kahit magkano pa yan eh pera pa din yan.


Nagets nyo na ibig kong sabihin? Bawal tumawag ng bobo, walang alam, mahina ang ulo, walang laman ang utak at walang pinag-aralan. Lalo na kapag ang nagsabi ay yung maraming nalalaman.

8 comments:

  1. tanong lang huh' ang sabi nyu po magkaiba ang tanga at ang bobo,ito ang sabi nyu "ang tanga daw ay mahirap turuan pero ang bobo madaling turuan lalo na kung pursigido" tanong: sino ba ang bobong yan na madaling turuan lalo na kung pursigido? so sinasabi nyu pong may taong bobo at sila ay madaling turuan

    ReplyDelete
  2. Sinabi lang niya kung ano ang pagkakaiba ng bobo at tanga pero walang taong bobo kasi marami nang natutunan ang isang tao simula baby palang, sinabi nga niya yun eh

    ReplyDelete
  3. Bakit ung iba gifted sobrang talino nila at kayang kaya nila gawin kahit mahirap pero bat ung iba hindi kayang gawin

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga. Sanaol gifted no? tapos ikaw 'gang sanaol nalang

      Delete
  4. Ang tao ay may iba't ibang kakayahan.may kaya kang gawin na hindi kaya ng iba.may kaya silang gawin na hindi mo rin kaya..walang perpekto sa mundo ika nga ..pero lahat may kakayahan o potensyal..

    ReplyDelete
  5. Siyempre kunwari sa pag aaral NG isamg bsta imbis namag review o Gawin Ang assignment,Ang ginagawa nya lang ay mag cellphone magdamag
    Kaya walng laman Ang utak

    ReplyDelete
  6. Pwede Po tulongan aq

    ReplyDelete