Monday, January 23, 2012

Walang Matinong Pangulo sa Hindi Makuntentong Pilipino

Walang matinong pangulo sa mga tanga at bobong pilipino.


Palagi na lang, sa tuwing hindi nasusunod o napagbibigyan ang mga kagustuhan ay nagpupunta sa kalsada at nagsasalita ng "walang kwenta ang ating gobyerno, walang ginagawa ang mga nasa pwesto. Mabuti pa noong panahon ni ganon, mas mura ang bilihin, kaunti ang nagugutom, marami ang may trabaho, blah blah blah. Ngayon, napakahirap ng buhay, dumarami ang mahirap, dumarami ang nagugutom, dumarami din ang mga tanga."


Ilang beses ko ng narinig yang mga salita na yan (maliban sa dulo), simula ng magkaisip ako at sa tuwing magpapalit ng pangulo. Kapag hindi nila nagustuhan ang performance eh gusto na agad palitan. Ginawa na nilang wallpaper at ringtone.


Noong panahon ni dating Presidente Marcos madami ang
nagagalit sa kanya dahil sa pagiging diktador.


Kaya ang ginawa nila eh inilukluk si dating Presidente Cory Aquino. That time, ayaw pumayag ni Cory dahil kulang sya sa karanasan at natakot na baka hindi nya magampanan ang tungkulin. Pero madaming tao ang nagpumilit kaya siya ay napapayag.


Nang nakaupo na siya, ang daming nagdududa. Tinangka pa nga ng iba na magkudeta.


Noong panahon ni erap ibinoto siya ng masa dahil sya daw ay para sa mahirap. Bagamat sinasabing hindi sya ganun kagaling ay marami naman ang nagtiwala. Pero dahil sa hindi inaasahang pagkakataon, siya ay pinalitan dahil siya ay nasangkot sa gambling at corruption.


Kaya ang ginawa, ipinalit nila si ex vice president GMA. Madaming tanga este grupo ang nagrally nun sa EDSA para lang mailuklok si PGMA. Pagkatapos ng halos 10 years na pagiging pangulo, ayun madaming kontrobersya pero madami ding batas at sabwatan ang nabuo para siya at ang kanyang mga kasama ay maprotektahan. Kung ikukumpara kay erap, napakalaki ng agwat sa pagdiskarte para magtagal sa pwesto. Si erap, sandali lang talsik. Si PGMA, sandali lang ang isyu dahil magaling silang lahat dun sa strategy.


Nang mageleksyon ulit, madaming twist ang nangyari pero parang replay din. Ayaw tumakbo ni noynoy pero pinilit ulit ng taong bayan kaya ulit siya din ay lumaban.(di ba may hawig sa nakaraan?)


Madami ang natuwa ng siya ay maging pangulo. Lalo na ng siya ay magsalita sa SONA sa diyalektong tagalog, para daw madami ang makaintindi. Sinabi nya bawal na din ang wang wang at ang pinakasikat ay ang pagtahak sa tuwid na daan.


Tuwid na daan.
2 taon ang nakalipas ng binanggit nya ang tuwid na daan. Maraming pilipino ang pumupuna sa pamamahala ni PNoy dahil hanggang ngayon daw ay hindi pa rin natin tinatahak ang tuwid na daan. Kesyo, nakatuon lang daw ang gobyerno sa pagsasampa ng kaso sa nakaraang administrasyon kaya napapabayaan na ang ekonomiya. Dumarami ang nagugutom, tumataas ang presyo ng mga bilihin at produktong petrolyo, dumarami ang krimen, dumarami din ang nabibitay sa ibang bansa, blah blah blah, ulit.


"mabuti pa nung panahon ni marcos, malaki pa ang halaga ng piso."


"mabuti pa nung panahon ni erap, nangurakot man daw pero hindi galing sa gobyerno."


"mabuti pa nung panahon ni PGMA, mataas ang ekonomiya ng bansa."


Sa palagay mo? Anu kaya ang gusto nilang mangyari ngayon? Ibalik yung mga nakaraang administrasyon na sila rin mismo ang nagnais na mapatalsik sila sa pwesto dahil tulad ngayon na hindi na naman nasusunod ang gusto nila?


Yan ang hirap sa mga tanga, kung ano ang maisipan, gagawin. Ikukumpara yung dati sa ngayon, eh hindi naman pareho ang nangyari at panahon noon. Dati, konti lang ang kaguluhan sa middle east, konti lang ang malalakas na bagyo, konti lang ang mapaminsalang sakit, konti lang ang nars, konti lang ang masama(ngayon madami na, nanganak eh.), noon kasi konti lang ang blah blah blah. Kaya ang pera na sana ay gagastusin ng pamahalaan ngayon para sa iba't ibang proyekto ay napupunta sa pagtulong o pagaayos ng mga napipinsala. Hindi naman sa sinasabi kong ang gobyerno ngayon ay perfect, marami pa rin namang virus dyan na nakasingit.


Madaming sangay ang gobyerno, iba't iba ang tao at iba't iba ang trabaho. Hindi porke't hindi napapakita sa tv eh hindi na nila ginagawa o pinagtutuunan ng pansin ang kanilang gawain. Mahilig kasi ang media sa malaking balita kuno kaya yung maliliit na impormasyon eh hindi na napagtutuunan ng pansin. Kaya yung mga tinatawag na analyst at mga ralihista eh mag-analize kayong mabuti hindi yung kapag may nagsulsol lang eh magsasalita na kaagad kayo ng kung anu-ano.(Katulad ko, haha. Pero ang pagkakaiba wala saking nagsusulsol.)


Ang gusto ata ng mga pinoy na maging pangulo eh isang magician, ginie o kaya si superman. Yun tipong kapag meron silang gustong hilingin eh mangyayari kaagad sa isang iglap.


Mga tanga, magsigising kayo. Step by Step lang tayo. Hindi panaginip o fantasy world ang Pilipinas, mga tao lang ang nagiging pangulo. Katulad mo din silang kumakain, umiinom, tumatae, nagkakasakit, umuutot, nakakalimot, tinatamad, tumatawa, umiiyak, nagkakamali, maraming dapat matutunan at marami pang blah blah blah. 


Hindi sya si mister or miss Perfect, baka kahit si Dr. Jose Rizal pa ang maging pangulo natin eh hindi nya kayo kayang isatisfy. Tandaan nyo, na hindi gagana ang telebisyon kapag walang kuryente, hindi gagana ang cellphone kapag walang battery, hindi mababasa ang libro kung hindi bubuklatin at hindi makakawalis ng kalat ang isang ting-ting.


Hindi lang dapat si PNoy ang kumikilos, kundi tayong mga pinoy.




P.S. Ang inyong nabasa ay base lamang sa aking pananaw. Hindi ako inimpluwensyahan ng kahit na sino man.


-Tang Ang P. 1/21/12 12:50am - 1:50am

4 comments:

  1. May point yang sinabi mo otor. Nakakahiya mang aminin pero totoo.

    ReplyDelete
  2. Tama ito, marami kasing tamad, asa na lang sa gobyerno, dapat talaga sa mga ito, iarmalite na lang para maubos. Hehehe

    ReplyDelete
  3. Isang malaking tsek, ang hirap sa mga taong tanga, sila na mga hindi nagbabayad ng buwis ang siyang mahilig mag rally, reklamador at walang ginawa kundi mamintas. Pati ang taon taong pag-baha sa bayan natin ay sinisisi sa gobyerno samantalang ang mga taong tanga ang siyang walang habas magtapon ng basura kung saan saan, hindi ko rin sinasabing ubod ng galing ang gobyerno natin pero sana makibahagi tayo sa solusyon miski man lamang sa tamang pagtatapon ng basura at pagbabayad ng tamang buwis.

    ReplyDelete
  4. ano naman ang magagawa ng mga tanga kung susunod sila sa mag batas oo magkakaroon ng kapayapaan pero paano na man yung mga walang makain kapag sumunod sila mabobosog buh sila

    ReplyDelete