Monday, January 23, 2012

True Friendship Never Dies

Minsan inaakala natin na yung mga dati nating kaibigan ay hindi na natin kaibigan dahil sa mahabang panahon na kawalan ng komunikasyon at ugnayan. Kasi kapag hindi sila nagtetext, hindi sumasama sa mga gimik at minsan kapag parang hindi nila tayo pinapansin, iniisip kaagad natin na baka ayaw na nila tayo maging kaibigan o kaya iniisip natin na nakalimutan na nila tayo pati na rin ang ating mga pinagsamahan. 


Take note: hindi lang yun basta pinagsamahan, andun na lahat tulad ng kalokohan, kasiyahan, kalungkutan, kulitan, awayan at lahat na ata ng nagtatapos sa "an" pwera lang upuan, haha (korni). At tsaka mayron pa labanos, mustasa, sitaw, (teka hindi kasama yan, nasimulan kasi sa kakornihan ayan tuloy nagdirediretso, haha. Balik tayo sa totoong sasabihin ko.) At hindi lang yun, meron din yang kasamang kwento na mayroong tema na drama, pangspeech, horror, suspense, sex, quotes, fantasy, payabangan ng lolo, action, kasinungalingan, jamingan at syempre lahat ng yan ay with action and conversation ng nagkukwento.) habang take note nyan, haha.


Ayan na nga. Kaya marahil siguro subalit datapwat (redundant na) dala ng pride ganun na rin ang gagawin natin sa kanila. Kung ayaw mong
magtext, hindi na rin kita itetext. Kung ayaw mong sumama sa mga gimik ng barkada, sige hindi ka na rin namin aayain (sigurado may pahabol pa yan "wag ka ngang paimportante"). Kung ayaw mong mamansin, hindi na rin kita papansinin. Sabi nga sa kanta ng rivermaya "hindi kita mapipilit, kung ayaw mo huwag mo." 


Nakita mo na o nabasa mo ba? Yan ang karaniwang dahilan kung bakit maraming friendship ang nawawala. 


Dahil yan sa "PRIDE"
Pride, na sana ay sa paglalaba lang ginagamit.
Pride, na sana ay sa isda, karne, itlog, kanin at gulay lang ginagamit.
Pride, na sana ay sa kapartner lang ng groom ginagamit.
Sana naging paboritong pagkain ka na lang, para madali kang lunukin.


Kung sana lang ay marunong tayong magbalik tanaw sa masasayang alaala at pinagsamahan eh di sana marami pa rin tayo ngayong kaibigan. (ayun eh, pasok ba ang drama ng sentence ko? Hehe)


Sabi nga ni luffi ng one piece "namamatay lang ang isang tao kapag kinalumutan mo na siya." parang ganun din sa friendship. "mawawala lang ang pagkakaibigan kapag kayo ay nag-kaibigan" joke lang. Ang sabi "nawawala lang ang pagkakaibigan kapag kayo ay naglimutan." (parang ang layo no? Anung konek? Haha)


Kaya nga wag mo agad iisipin na kinalimutan at inayawan ka na ng iyong kaibigan hanggat hindi mo alam ang dahilan. Malay mo meron siyang mahalagang dahilan kung bakit hindi siya nagpaparamdam (sigurado may eepal dyan at sasabihin "panu sya magpaparamdam eh hindi naman sya multo." eh bakit yung hangin hindi naman multo?) tuloy na nga natin may epal kasi eh. O kaya posibleng busy sa sarili nyang buhay. Bakit kaya hindi mo subukang kamustahin? Kung hindi man sumagot ngayon, try mo ulet next time. Pride lang ang susi because true friendship never dies.

No comments:

Post a Comment