Sunday, January 15, 2012

Nonsense Thought part 1 (Asong Kawawa)

1. Sino ba ang dapat sisihin kung ang isang tao ay nakatapak ng tae ng aso sa kalsada?


-ang amo ba na pinabayaang tumae yung aso sa kalsada at hindi dinakot?
-o ang aso ba na hindi tinuruan kaya nasanay tumae kung san man sya abutan?
-o ang tae ba na walang muwang at nangyayari lang dahil sa kagustuhan ng aso?
-o ang taong tanga ba na hindi tumitingin sa kanyang dinadaanan?




Pero paano naman daw kung askal yung aso? Ibig bang sabihin walang  kasalanan yung amo? Pero paano nga ba nagkakaroon ng askal? Di ba dahil napabayaan o pinabayaan ng pabayang amo?


Sa palagay mo, kung may nagturo kaya sa aso na huwag tumae sa kalsada, hindi na nga kaya sya tatae sa kalsada? Mapipilit nga kaya natin yung aso na huwag tumae sa kalsada o kahit saan mang lugar na siya ay abutan? O kailangan lang ba niya ng
amo na magbabantay para kung sakaling abutan sya sa kung saan ay mayroong magdadakot ng tae o kalat?


Paano kung busy yung amo sa trabaho kaya hindi nya pwedeng bantayan yung aso? Pwede kayang huwag na lang siyang mag-alaga ng aso kung hindi nya kayang alagaan o bantayan? Bakit nga kaya niya gustong mag-alaga ng aso?


Maraming pinoy ang gustong mag-alaga ng aso dahil gusto nila. Wala silang pakialam kahit na sila ay naghihirap. Ang mahalaga ay mayroon silang alagang aso, dumami man ang aso ay ayos lang. Kasi ang moto nila "mas marami mas masaya." Kaya ang nangyayari, kapag hindi na kayang alagaan, ayun pinapabayaan. Minsan pa nga eh sinasaktan at sinisisi. Pinagbubuntunan ng galit, kaya ang kawawang aso. ayun, lumalayas at nagiging gala.


Maraming bata ang nalilihis ang landas dahil sa kapabayaan ng mga iresponsableng magulang. Mga batang walang muwang sa mundo. Gumagawa ng krimen, nagnanakaw, pumapatay, nagmumura, punong-puno ng kasamaan ang isipan dahil nga napabayaan. Walang gumagabay, walang nagtuturo kung ano ang pagkakaiba ng tama sa mali. Sino nga ba ang may gusto ng masalimuot na buhay? Wala naman di ba?


Kaya para sa mga tao. "Kung hindi nyo kayang magdakot ng tae, kung hindi nyo kayang magbantay at kung kayo ay walang pakialam. Eh wag na lang kayong mag-alaga ng aso".

No comments:

Post a Comment